
BUWAN NG WIKA | AUGUST 2026
BUWAN NG WIKA | AUGUST 2026
Wikang Filipino + AI: Susi sa Kaalaman, Tulay sa Kinabukasan!
Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026, ipinamalas ng ating mga mag-aaral ang kanilang talino, pagkamalikhain, at pagmamahal sa sariling wika sa ilalim ng temang:
“Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.”
Sa pamamagitan ng Pangkulay, Paggawa ng Poster, at Paggawa ng Tula, naipakita ng ating mga mag-aaral ang kanilang kakayahang magsaliksik, lumikha, at magpahayag gamit ang Wikang Filipino bilang tulay sa mas malawak na mundo ng kaalaman.
Higit pang naging makulay ang pagdiriwang nang magsuot ng katutubong kasuotan ang ating mga mag-aaral at guro, bilang pagpapakita ng pagpapahalaga at pagmamalaki sa ating kultura, tradisyon, at pagkakakilanlang Pilipino.
Sa makabagong panahon, patuloy nating pinahahalagahan ang Wikang Filipino habang tinatanggap ang mga bagong kasangkapan tulad ng Artificial Intelligence (AI) upang higit pang mapalawak ang pagkatuto at pananaliksik.
Patunay na sa murang edad pa lamang, ang ating mga mag-aaral ay natututong magsaliksik, lumikha, mag-isip, at magpahayag—habang dala ang sariling wika at kulturang Pilipino.





















